Skip to main content

Etnopoint

Decreto Flussi walang makakagarantiya ng nulla osta

differenza permesso di soggiorno e permesso di soggiorno UE

“Doon ka mag-apply. Sigurado raw ang approval kasi may kakilala sila sa Prefettura.”

Kabayan, kung OFW ka sa Italy at tumutulong sa isang taong gustong makapasok para magtrabaho, mag-ingat sa ganitong pangako. Kahit sa patronato, avvocato, consultant o assistance center ka lumapit, walang private entity ang puwedeng maggarantiya na maaaprubahan ang nulla osta mo.

Mahalaga ang maayos na assistance. Pero ang pagbabayad para sa pag-asikaso ng application ay hindi pagbili ng approval.

Sino ang naglalabas ng nulla osta

Ang nulla osta al lavoro ay authorization na kailangan sa karaniwang proseso ng pagkuha ng worker mula sa labas ng Italia.. Para sa lavoro subordinato, ang datore di lavoro o employer ang humihiling nito.

Ang Sportello Unico per l’Immigrazione sa Prefettura ang may kapangyarihang maglabas ng nulla osta, ayon sa batas at mga kinakailangang government checks. Hindi ang patronato o ang taong tumulong mag-file ang nagdedesisyon sa approval. [1]

Kaya kahit kumpleto ang documents at nakapagbayad ka na ng service fee, hindi pa iyon assurance na may nulla osta ka na.

Ano ang dapat gawin ng tumutulong sa application

Kapag kumuha ka ng assistance, dapat malinaw kung ano ang kasama sa serbisyo. Para sa document preparation at submission, ito ang dapat mong hanapin

-I-check ang applicable requisiti ng employer at worker, at ibigay ang checklist para sa tamang category.

-I-review ang documents at impormasyon para matukoy ang kulang, mali o hindi tugma bago mag-file.

-Tumulong sa precompilazione at ihanda ang application ayon sa official procedures at deadlines.

-Kung kasama sa napagkasunduang serbisyo, isumite ang application sa tamang click day at ibigay ang ricevuta o proof of submission.

-Ipaliwanag ang status at tumulong sa eventuali integrazioni o karagdagang documents, kung kasama sa serbisyo.

Ang maaasahang provider ay dapat maging maingat at accountable sa trabahong hawak niya. Ang “walang guarantee” ay hindi excuse para sa maling data, napabayaang deadline o application na hindi naman na-submit.

Nagpalit ng patronato at naaprubahan sa fourth attempt

Halimbawa, tatlong beses kang nag-file sa Patronato A at hindi nakakuha ng nulla osta. Sa fourth attempt, lumipat ka sa Patronato B at naaprubahan.

Puwedeng mas maayos ang paghahanda o submission ng bagong provider. Pero hindi sapat ang approval na iyon para sabihing may espesyal siyang koneksiyon sa government, o na palpak agad ang unang patronato.

Posibleng mas maaga ang recorded submission sa bagong attempt, iba ang available quota sa category o province, o may naitama sa documents at requisiti. Sa quota allocation, mahalaga ang chronological order ng submission at ang available places para sa applicable category at province. [2]

Para malaman ang dahilan, kailangang ikumpara ang records ng bawat application. Ang “non in quota” ay hindi kapareho ng rejection dahil hindi natugunan ang requirements.

Kaya mas accurate sabihing may factors na hindi kontrolado ng provider kaysa sabihing puro swerte lang. Hindi lottery ang Decreto Flussi. Mahalaga ang kalidad ng assistance, pero hindi nito kayang siguraduhin ang resulta.

May kakilala sa Prefettura kaya guaranteed daw

Kapag may nagsabi ng “100% approved kasi may tao kami sa loob,” ituring itong RED FLAG.

Normal na makipag-ugnayan ang isang professional sa public offices para sa follow-up o clarification. Ang dapat mong pag-ingatan ay ang pangakong kaya niyang kontrolin ang approval dahil sa personal na koneksiyon.

Bago magbayad, humingi ng malinaw na scope of service, written terms at resibo. Alamin din kung ano ang mangyayari sa fees kung hindi makapasok sa quota o hindi maaprubahan.

May ilang official procedures at reserved quotas para sa partikular na organizations o categories. Nakasaad ang mga ito sa batas at official rules; hindi sila lihim na “backer,” at hindi rin sila blanket guarantee ng approval. [2]

Kumpleto ang documents pero hindi pa rin guaranteed

Ang checklist ay bahagi lamang ng paghahanda. Kailangan ding matugunan ang applicable requisiti, kabilang ang tunay na job offer, eligibility ng employer at worker, at mga kondisyon ng employment.

Sa applications na sakop ng quota, kailangan ding may available quota. May mga government checks at posibleng motivi ostativi o dahilan na humahadlang sa paglabas ng nulla osta. Kaya ang “complete documents” at “submitted successfully” ay hindi katumbas ng “approved.” [3]

At kapag may nulla osta na, may visa process at mga susunod pang obligasyon. Hindi pa iyon awtomatikong visa o permesso di soggiorno. [3]

Ano ang pinakamagandang gawin

Maghanda nang maaga. Siguraduhing tama ang category, natutugunan ang requisiti, at kumpleto at accurate ang documents. Piliin ang provider na malinaw magpaliwanag ng serbisyo at kayang magpakita ng proof of submission.

Pagkatapos ng click day, bantayan ang application status at official communications. May mga follow-up at deadlines na kailangan pa ring asikasuhin.

At oo, puwede ring samahan ng dasal. Hehehe. Pero unahin ang documents at deadlines, kabayan.

Ang puwede mong hingin ay maayos na pag-asikaso at malinaw na updates. Ang approval ng nulla osta ay hindi kayang ipangako ng kahit anong private entity.

Kailangan mo ng tulong sa Decreto Flussi

Ang Etnopoint ay nagbibigay ng assistance sa document preparation at submission ng Decreto Flussi application. Contact us para malaman ang applicable checklist at saklaw ng assistance para sa kaso mo.

Hindi kami nagbibigay ng guaranteed approval. Hindi rin kami agenzia di lavoro at hindi kami naghahanap o nagbibigay ng employer.

Official sources

Na-check noong 14 October 2026. Para sa application, sundin ang current official instructions para sa applicable year at category.

[1] Ministero dell’Interno — Sportello Unico per l’Immigrazione Official source

[2] Circolare interministeriale n 8047 del 16 ottobre 2025 — reserved quotas at quota allocation; tingnan din ang Circolare n 7185 del 1 ottobre 2026 para sa annualità 2027 Official source

[3] Portale Integrazione Migranti — Come si entra in Italia per lavoro Official source

Circolare interministeriale n 7185 del 1 ottobre 2026 — annualità 2027 Official source