TUNGKOL SA AMIN
Sa Etnopoint, naniniwala kaming dapat maging masayang karanasan, hindi pahirap, ang paglipat o paninirahan sa Italy. Sa likod ng bawat permit, biyaheng pauwi at tax return, may taong may pangarap, pamilya at kinabukasan.
Puwedeng maligaw sa tambak na papeles at “sumakit ang ulo” sa pag-asikaso ng mga proseso sa Italy. Kaya namin ginawa ang Stranieri Made Easy. Tinutulungan naming mahanap ng mga dayuhan ang mga serbisyong kailangan nila para umasenso rito: buwis, imigrasyon at paglalakbay, lahat sa iisang lugar.
NG KARANASAN
Katuwang ng aming mga kliyente mula 2013
MGA MANLALAKBAY NA NATULUNGAN
Para sa mga flight, bakasyon at iba pang serbisyo sa biyahe
bawat taon
MGA APLIKASYONG INASIKASO
Sa imigrasyon, buwis at mga serbisyong administratibo
bawat taon
Etnopoint /'et-no-poynt/
pinagsamang “etno” (tumutukoy sa mga tao at kultura) at “point” (isang lugar). Isang espasyong umaangkop sa magkakaibang pangangailangan ng bawat tao
Etnizen /ˈet-ni-zen/
ang tawag sa mga miyembro ng aming community. Mula ito sa “etn” (Etnopoint) at “izen” (citizen o mamamayan).
ANG AMING TEAM
Bata pa ang aming team, pero may propesyonal na karanasan at mahusay na pagsasanay. Mahalaga sa amin ang de-kalidad na serbisyo, pakikinig, at patuloy na paghusay. Sa bawat bagong hamon, natututo kami, nakikibagay, at naghahanap ng mas epektibong solusyon. Simple ang layunin namin: bigyan ang bawat kliyente ng maaasahan, maingat, at de-kalidad na serbisyo.
Mga madalas itanong
Ang Etnopoint ay isang sentro ng serbisyo, lalo na para sa mga dayuhan at propesyonal sa Italy. Tumutulong kami sa tatlong pangunahing larangan: imigrasyon, buwis, at paglalakbay.
Depende sa serbisyo. May mga prosesong mas mabuting magpa-appointment muna, o talagang kailangan ito. Para sa iba, puwede ka naming tulungan agad online o sa WhatsApp.
Puwede mong ipadala ang mga dokumento sa WhatsApp o email, o dalhin mismo sa opisina, depende sa serbisyong kailangan mo.
Sabihin sa amin kung anong serbisyo ang kailangan mo. Bibigyan ka namin ng malinaw na listahan ng mga kailangang dokumento at tutulungan kang tiyaking kumpleto ang papeles bago magpatuloy.
Oo. Maraming serbisyo ng Etnopoint ang puwedeng asikasuhin online sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga dokumento at impormasyon sa WhatsApp o email. Para naman sa ilang serbisyo, kailangan mong pumunta sa opisina.
Oo. Depende sa serbisyo, puwede kang magbayad online o sa opisina mismo. Sasabihin sa iyo ng aming team kung paano ka puwedeng magbayad.
Depende ito sa serbisyo at sa ahensiyang hahawak ng proseso. May mga aplikasyong mabilis matapos, pero may iba na mas matagal. Lagi naming ipapaliwanag ang tinatayang tagal at mga susunod na hakbang.
Oo. Kung kasama ito sa serbisyo, tutulungan ka naming subaybayan ang status ng iyong aplikasyon at ipaalam ang anumang update o karagdagang dokumentong kailangan.
Oo. Nasa iisang lugar sa Etnopoint ang tulong sa imigrasyon, buwis, at paglalakbay, kaya puwede kang magpatulong sa higit sa isang serbisyo nang sabay.
Oo. Puwedeng magbayad nang hulugan para sa karamihan ng serbisyo ng Etnopoint, ayon sa mga kondisyon ng napili mong serbisyo. Sasabihin ng aming team ang mga opsiyon kapag nagtanong ka o nagpa-appointment.
Puwede mo kaming i-message sa WhatsApp o puntahan sa aming opisina sa Milan.
Paglalakbay: +39 329 359 1352
Imigrasyon & Buwis: +39 375 549 1170
Opisina: Viale Monza 59, Milano – M1 Pasteur
Puwede kang tulungan ng aming team sa Italian, English, Filipino/Tagalog, at Bengali para mas madali mong maintindihan ang mga dokumento, proseso, at serbisyo.