Lumaktaw sa pangunahing nilalaman

Etnopoint

May foreign certificate ka bang kailangang ipasa sa Italy? O dokumentong Italian na gagamitin sa ibang bansa? Sa loob lang ng ilang araw, matutulungan ka ng Etnopoint na magkaroon ng mga dokumentong may legal na bisa.

Bigyan ng legal na bisa ang mga dokumento mo, nang walang abala.

Sinumpaang Salin

traduzione giurata image

Mga madalas itanong tungkol sa sinumpaang salin

Ano ang sinumpaang salin?

Ang sinumpaang salin, na tinatawag ding sertipikadong salin, ay saling nagkakaroon ng opisyal na bisa matapos panumpaan sa harap ng awtoridad na may kapangyarihan dito.

Madalas itong kailangan kapag opisyal na gagamitin sa Italy ang dokumentong mula sa ibang bansa, o ihaharap ang dokumentong Italyano sa ilang awtoridad sa ibang bansa.

Kailan kailangan ang sinumpaang salin?

Maaaring kailanganin ang sinumpaang salin kung ang isang dokumento ay dapat may opisyal na bisa para sa tanggapan ng gobyerno o awtoridad.

Maaaring kailanganin ito para sa:

  • Aplikasyon para sa pagkamamamayan
  • Permesso di soggiorno o pagsasama-sama ng pamilya
  • Mga sertipiko ng kapanganakan, kasal o kamatayan
  • Mga diploma
  • Mga dokumento para sa hukuman, munisipyo, prefecture o konsulado

Ang ahensiyang tatanggap ng dokumento ang nagtatakda kung anong uri ng salin ang kailangan.

Kailangan din ba ng Apostille o legalisasyon?

Depende ito sa bansang nagbigay ng dokumento at sa ahensiyang tatanggap nito.

Sa ilang kaso, bukod sa sertipikadong salin, maaari ring kailanganin ang Apostille o iba pang legalisasyon.

Kaya mahalagang alamin muna ang mga kailangan bago simulan ang pagsasalin.

Gaano katagal ang sinumpaang salin?

Depende ang tagal sa wika, dami ng pahina at uri ng dokumento.

Maaaring mabilis lang ang proseso para sa mga simpleng dokumento, pero mas matagal kung mas komplikado ang kaso.

Mas mabuting ipadala ang mga dokumento bago ang deadline ng aplikasyon.

Puwede ko bang ipadala online ang mga dokumento?

Oo. Maaari mo munang ipadala ang kopya ng mga dokumento sa WhatsApp o email para masuri namin at mabigyan ka ng presyo.

Kung karaniwang salin lang ang kailangan, puwede rin kaming gumamit ng kopya ng dokumento.

Pero para sa sinumpaang salin, kailangan ang mga orihinal na dokumento upang makumpleto nang tama ang proseso.

Kung kailangan, kami na ang magpapakuha ng mga orihinal na dokumento sa address mo sa pamamagitan ng courier.

Kapag tapos na ang proseso, puwede mong kunin ang mga dokumento sa opisina namin o ipahatid muli sa address mo.

Sa Etnopoint, puwede mong ipa-translate ang mga dokumento mo kahit nasaan ka, at may tutulong sa iyo sa bawat hakbang.

  • Paunang pagsusuri: titingnan namin ang dokumento at ang mga hinihingi ng bansa o ahensiyang paggagamitan nito.

  • Mga orihinal na dokumento: sa maraming sertipikadong salin, maaaring kailanganin ang mga orihinal, pero nag-iiba ang mga kailangan ayon sa proseso at bansang paggamitan.

  • Presyo: sasabihin namin sa iyo ang gastos, tagal at proseso bago magsimula.

  • Pagsasalin at panunumpa: kami ang bahala sa salin at sa iba pang hakbang na kailangan para magkaroon ito ng opisyal na bisa.

  • Tulong kahit malayo ka: kung kailangan ang mga orihinal, puwede mong ipadala ang mga ito sa amin nang hindi pumupunta sa opisina.

  • Paghahatid: kapag tapos na ang proseso, puwede mong kunin ang mga dokumento sa opisina o ipahatid ang mga ito sa address mo.

Paano kami tumutulong

  • Titingnan muna namin: aalamin namin kung anong salin ang kailangan at kung kailangan din ng Apostille, legalisasyon o mga orihinal na dokumento.

  • Iwas-aberya: sinusuri namin ang mga detalye, pangalan at dokumento para mabawasan ang posibleng problema sa ahensiyang tatanggap nito.
  • Kumpletong tulong: kami ang bahala sa pagsasalin, panunumpa at iba pang hakbang na kailangan sa proseso.

  • Simulan kahit nasaan ka: puwede mong asikasuhin ang lahat sa WhatsApp o email.

  • Pickup sa courier: kung kailangan ang mga orihinal, kami ang magpapa-pickup sa mismong address mo.

  • Flexible na pagkuha: puwede mong kunin ang mga dokumento sa opisina o ipadeliver diretso sa bahay mo.

Bakit Etnopoint ang piliin?​

Balido at handa nang gamitin ang mga dokumento mo.